IQNA

Mga Surah ng Qur’an/110 Ang Balita ng Qur’an Tungkol sa Hinaharap ng Islam sa Surah An-Nasr

13:31 - September 02, 2023
News ID: 3005965
TEHRAN (IQNA) – Ang ilang mga talata ng Banal na Quran ay tungkol sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap, katulad ng mga tagumpay ng mga Muslim at pagpapalaganap ng Islam sa mundo.

Ang Surah An-Nasr ay kabilang sa mga kabanata na nagsasalita tungkol sa hinaharap.

Ang An-Nasr ay ang ika-110 na kabanata ng Qur’an na mayroong tatlong mga talata at nasa ika-30 Juz. Ito ay Madani at ang ika-102 na kabanata na ipinahayag sa Banal na Propeta (SKNK).

Ang salitang Nasr, ibig sabihin ay tulong, ay dumating sa unang talata, at samakatuwid ay ang pangalan ng Surah.

Ang Surah An-Nasr ay tungkol sa dalawang mga pangyayari sa hinaharap. Ang una ay binanggit sa Talata 1: "Kapag dumating ang tulong ni Allah at ang tagumpay."

Maraming mga tagapagkahulugan ang naniniwala na ang tagumpay dito ay tumutukoy sa pananakop ng mga Muslim sa Mekka, na nagtapos sa idolatriya at naging sentro ng pagsamba sa Diyos ang banal na lungsod.

Pagkatapos ng pananakop na iyon ay lumaganap ang Islam at nakamit ng mga Muslim ang mas maraming mga tagumpay.

Ang pangalawang hinulaang pangyayari ay ang mga taong yumakap sa Islam sa mga pangkat: "At makikita mo ang malalaking mga grupo ng mga tao na yumakap sa relihiyon ng Diyos." (Talata 2)

Sinabi ng Diyos sa Kanyang Propeta (SKNK) na sa hinaharap, yayakapin ng mga tao ang Islam sa mga pangkat. Ito ay maaaring tumutukoy sa panahon pagkatapos ng pagsakop sa Mekka kung kailan ang mga tao at mga tribo mula sa iba't ibang mga lungsod at mga rehiyon ay pumunta sa Mekka upang tanggapin ang Islam.

Maaari din itong tumukoy sa huling mga siglo kung saan ang mga tao sa iba't ibang mga bansa ay yumakap sa Islam at ang relihiyon ay lumaganap sa mundo.

Sa talatang 3, ang Diyos ay nagbigay ng tatlong mahahalagang mga utos sa Banal na Propeta (SKNK): “Luwalhatiin ang iyong Panginoon ng papuri at humingi sa Kanya ng kapatawaran. Siya ay tumatanggap ng pagsisisi.”

Ang talatang ito ay nanawagan para sa pagluwalhati at pagpupuri sa Diyos at gayundin ang pagsisisi.

Ang pananakop sa Mekka, na alin isang malaking tagumpay, ay nagpatunay na hindi pababayaan ng Diyos ang mga lumalakad sa Kanyang landas. Pinatunayan din nito na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat at kayang tuparin ang Kanyang mga pangako.

 

3484975

captcha