IQNA

Mga Surah ng Qur’an/105 Surah Al-Fil: Kapangyarihan ng Diyos na Ipinakita ng mga Ibon

1:36 - August 14, 2023
News ID: 3005885
TEHRAN (IQNA) – Ilang mga buwan bago ang kapanganakan ng Banal na Propeta (SKNK), ang noon ay hari ng Yaman ay naghangad na wasakin ang Ka'aba ngunit ipinahayag ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng isang himala at pinigilan iyon na mangyari, ayon sa Surah Al-Fil.

Ang Al-Fil ay ang ika-105 na kabanata ng Qur’an na mayroong 5 mga talata at nasa ika-30 Juz. Ito ay Makki at ang ika-19 na Surah na ipinahayag sa Banal na Propeta (SKNK).

Iyon ay tungkol sa 'mga tao ng elepante' o 'mga may-ari ng elepante' - isang pangkat ng mga tao sino, nakasakay sa mga elepante ay naghangad na gibain ang banal na Ka'aba - at dahil dito ang pangalan ng Surah.

Ito ay isang makasaysayang kaganapan kung saan iniligtas ng Panginoon ang Ka'aba mula sa hukbo ng mga walang paniniwala mula sa Yaman na nakasakay sa mga elepante. Ang pagturo sa kuwentong ito ay isang babala sa mga mapagmataas na kaaway ng Islam upang matanto nila na wala silang kapangyarihan sa harap ng kapangyarihan ng Diyos.

Ang taong sino gustong gibain ang Ka'aba ay si Abrahah, ang hari ng Yaman. Nang malaman niya ang tungkol sa mahalagang katayuan ng Mekka na alin binisita ng mga peregrino mula sa iba't ibang mga lugar, nagtayo siya ng isang malaking simbahan upang bisitahin ito ng mga tao sa halip na ang Ka'aba ngunit hindi gaanong tao ang pumunta sa simbahan. Kaya naman nagtipon siya ng isang hukbo ng mga mandirigma na nakasakay sa mga elepante at nagmartsa patungo sa Mekka.

Surah At-Takathur: Naglalarawan ng Walang Kabuluhang Karera ng Tao para sa Makamundong Pagnanasa

Ang mga tao ng Mekka, na natatakot sa kanilang buhay, ay umalis sa lungsod.

Kinaumagahan, nang magsimulang salakayin ni Abrahah ang Mekka, dumating ang isang malaking bilang ng mga ibon, bawat isa ay may dalang tatlong maliliit na mga bato. Ibinato nila ang mga bato sa mga kawal ni Abrahah. Lahat ng tinamaan ng mga batong ito ay napatay, pati na si Abraha mismo.

Sinasabing ang insidente ay naganap noong taong 570 AD, na kilala bilang Aam al-Fil (taon ng elepante).

Ito ang taon kung saan ipinanganak si Propeta Muhammad (SKNK).

                           

3484728

captcha